Matapos ang labindalawang taon, muli kaming nagkita kita... muling nag kasama sama... lumabas ang matatamis at masasalimuot na ala ala, napuno ng tawanan ang paligid at obvious ba lahat gustong bumangka...
Pero sa totoo lang, parang wala namang nagbago.... maliban sa mga nadagdag na bilbil sa aming mga tyan at lumobong mga muka dahil sa sobrang katabaan, kagayang kagaya parin kami ng dati, ganado sa daldal, sagad sa kalokohan, puno ng balahuraan at san ka pa "late" parin ang karamihan (aheeemmm!)
Sa tagal ng panahon na hindi namin nakita ang isa't isa, parang ayaw na naming matapos ang oras, kulang na nga lang hiramin namin ang time machine ni mojacko para pwede naming ibalik ng paulit ulit ang mga minuto na kami'y magkakasama... Subali't - datapwa... hindi talaga kinaya ng powers ni Darna, umusad parin si oras at sumenyas na para bang nag sasabing "madaling araw na, kamusta naman ang mga anak nyo?" (ouccch!)
Mula sa pag silip ng bukang liwayway, tumaas ang aming mga kamay at nag simulang kumaway.... hindi upang mag paalam kundi upang ipaalala na sa susunod na taon muli kaming mag kikita kita....
Maraming salamat sa isang gabing puno ng saya.... Hanggang sa muli mga mahal kong sinta...
Pahabol nga pala...
Sa susunod na taon kayo'y aming iniimbita, sa pag iisang dibdib ng dalawang pusong naging isa... (ayun oh!)