Kinailangan ko ng oras para masolo ang aking sarili, para maka pag pahinga, para maka pag isip. Hindi ko alam anung pumasok sa utak ko pero parang pagod na ko, parang ayoko na ng responsibilidad.
Nag desisyon ako na pumunta sa ibang lugar, malayo sa kanila, malayo sa mga tinuturing kong pasanin sa buhay.
Habang tinatahak ko ang landas patungo sa lugar na makakapag patahimik sakin, madaming nangyari, madami akong nasaksihan, madami akong natutunan…
Ang larawan sa taas ay kuha ng isang pamilya na nakatira sa isang kariton. Nadaanan ko sila habang nakasakay ako ng jeep papunta sa lugar ng katahimikan. Di ko lubos maisip paano sila nag kakasya sa lugar na iyon gayong halos lima ang bilang ng kanilang pamilya. Paano kaya sila nakakatulog, paano kaya sila kumakain.
Parang kinurot ang puso ko.. para kong natunaw sa hiya…. Naalala ko ang bahay na iniwan ko, naalala ko ang pamilyang gusto kong talikuran. Di nga ba’t napaka palad ko, na nagigising ako sa umaga mula sa malambot na kama . Na pag labas ko ng silid ay didiretso na lamang sa kusina upang kumain. Kay sarap ng buhay ko kung ikukumpara sa mga taong yaon.
Ang kapal ng muka kong mag reklamo sa buhay ko, napakasama ko para isiping responsibilidad o pasanin ang pamilyang meron ako. Napaka maka sarili ko.
Para sa aking pamilya, para sa pinakamahalagang parte ng buhay ko...
Patawad….