Nanay,
Siguro hindi ito ang pinaka emotional letter na marereceive mo from me… Well, actually mabibilang mo lang naman talaga sa daliri mo ang mga sulat na binigay ko sayo… Sabi nga kasi sa kasabihan “action speaks louder than words”. Kaya madalas mas pinipilit kong gawin kesa sabihin…
Hindi man ako naging perpektong anak, Masaya parin akong sabihin na hindi ako naging masamang anak at hindi rin naman ako naging ganon kabuting anak.. hehe! Sakto lang kung baga.. Wag ka ng mag reklamo ganon ka din naman.. di ka din naman perfect… pero kahit di ka perfect, given the chance of choosing another mom… ipag sisigawan ko parin sa lahat na ikaw parin ang gusto ko… ikaw at wala ng iba…
Nay, naalala ko pa nung unang beses na pumasok ako sa iskwela… ikaw ang number 1 fan ko… na kahit walang bilib sakin ang iba, para sayo ako parin ang pinaka magaling, pinaka maganda at pinaka matalino. Salamat Nay dahil sa paniniwala mong yan… nabuhay tuloy ako sa kasinungalingan… ahihihihi… but seriously, thank you… wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kundi dahil sayo… kung di ka naniwala sa kakayanan ko… kung di mo pinalakas ang loob ko para ituloy kung ano man ang gusto at pangarap ko…
Naalala ko din sa tuwing bayaran ng tuition, kung gaano mo kinakapalan ang muka mo para mangutang, nilulunok mo ang lahat ng sasabihin ng iba, maibigay lang samin ang magandang kinabukasan. ….
Salamat nay, sa pag bibigay sakin ng magandang kinabukasan. Salamat sa unconditional love, na isusubo mo na lang ibibigay mo pa sakin. Salamat sa pag tabi mo sakin sa higaan sa tuwing may sakit ako. Salamat sa pag luluto mo ng paborito kong ulam. Salamat nung nag 1 year old ako meron akong cake kahit wala tayong pera. Salamat sa mga bilin mo sakin tuwing umaga kahit paulit ulit ka na. Salamat sa pag aalaga mo kay Kylie. Salamat sa lahat lahat.
Happy Mother’s Day Nanay! Mahal na mahal kita… Mahal na mahal ka naming lahat…
At kahit sana sa mumunting paraan maparamdam namin sayo gaano ka ka espesyal…
No comments:
Post a Comment