Lumaki ako at ang aking mga kapatid na ang nag aalaga sa amin ay ang aming ama. Sya ang nag luluto ng pag kain namin, nag papaligo, nag hahatid sa iskwela, nag papatulog, nag lalaba at gumagawa ng lahat ng gawain sa bahay.
Madalas nga tinatanong ko ang sarili ko bakit kaya sya ang nasa bahay at hindi si Nanay. Bakit hindi sya kagaya ng Tatay ng mga kaklase ko. Bakit hindi sya nag oopisina o pumapasok sa mga pabrika.
Alam kong hindi perpekto si Tatay, alam kong madami syang pag kukulang subalit anu man ang pag kukulang nya, anu man ang hindi nya
kayang ibigay, pinupunuan nya ito ng pag mamahal. Pag mamahal na binaon naming mag kakapatid sa aming pag laki.
Sa pag lipas ng panahon, madami akong natutunan, madami akong nalaman. Ang buhay ay hindi laging masaya, ang buhay ay hindi laging patas. Subalit sa lahat ng ito, isa lang ang nasiguro ko, hindi nya ko iniwan, hindi nya ko pinabayaan. Laging nandyan si Tatay para gabayan ako at alalayan sa galaw ng buhay.
Tatay, hindi ka man doctor, inhinyero o arkitekto. Wala ka mang posisyon sa lipunan. Wala ka mang labis na kayamanan. Para sa akin, para sa amin na mga anak mo, Ikaw ang pinaka perpektong Tatay sa mundo.
Maraming maraming salamat Tatay sa pag aaruga at pag mamahal. Maraming salamat sa pag ubos mo ng iyong lakas at kabataan sa aming mga anak mo. Pinapangako ko, namin, kaming mga anak mo, na sa pag tanda nyo ni Nanay, hinding hindi namin kayo iiwan.
Tatay, I’m the proudest daughter. What I am now is what you train me to be.
Kung ipapanganak man akong muli sa mundong ibabaw, hihilingin ko sa panginoon na ikaw ulit ang ibigay sa aking Tatay.
Happy father’s day Tatay… We are so proud of you!
I love you so much!
No comments:
Post a Comment