Friday, June 17, 2011

Alay kay ama…

Lumaki ako at ang aking mga kapatid na ang nag aalaga sa amin ay ang aming ama. Sya ang nag luluto ng pag kain namin, nag papaligo, nag hahatid sa iskwela, nag papatulog, nag lalaba at gumagawa ng lahat ng gawain sa bahay.

Madalas nga tinatanong ko ang sarili ko bakit kaya sya ang nasa bahay at hindi si Nanay. Bakit hindi sya kagaya ng Tatay ng mga kaklase ko. Bakit hindi sya nag oopisina o pumapasok sa mga pabrika.

Alam kong hindi perpekto si Tatay, alam kong madami syang pag kukulang subalit anu man ang pag kukulang nya, anu man ang hindi nya
kayang ibigay, pinupunuan nya ito ng pag mamahal. Pag mamahal na binaon naming mag kakapatid sa aming pag laki.

Sa pag lipas ng panahon, madami akong natutunan, madami akong nalaman. Ang buhay ay hindi laging masaya, ang buhay ay hindi laging patas.  Subalit sa lahat ng ito, isa lang ang nasiguro ko, hindi nya ko iniwan, hindi nya ko pinabayaan. Laging nandyan si Tatay para gabayan ako at alalayan sa galaw ng buhay.

Tatay, hindi ka man doctor, inhinyero o arkitekto. Wala ka mang posisyon sa lipunan. Wala ka mang labis na kayamanan. Para sa akin, para sa amin na mga anak mo, Ikaw ang pinaka perpektong Tatay sa mundo.

Maraming maraming salamat Tatay sa pag aaruga at pag mamahal. Maraming salamat sa pag ubos mo ng iyong lakas at kabataan sa aming mga anak mo.  Pinapangako ko, namin, kaming mga anak mo, na sa pag tanda nyo ni Nanay, hinding hindi namin kayo iiwan.

Tatay, I’m the proudest daughter.  What I am now is what you train me to be.

Kung ipapanganak man akong muli sa mundong ibabaw, hihilingin ko sa panginoon na ikaw ulit ang ibigay sa aking Tatay.

Happy father’s day Tatay…  We are so proud of you!

I love you so much!





Tuesday, May 17, 2011

Ohana

Kinailangan ko ng oras para masolo ang  aking sarili, para maka pag pahinga, para maka pag isip. Hindi ko alam anung pumasok sa utak ko pero parang pagod na ko, parang ayoko na ng responsibilidad. 

Nag desisyon ako na pumunta sa ibang lugar, malayo sa kanila, malayo sa mga tinuturing kong  pasanin sa buhay.

Habang tinatahak ko ang landas patungo sa lugar na makakapag patahimik sakin, madaming nangyari, madami akong nasaksihan, madami akong natutunan…






Ang larawan sa taas ay kuha ng isang pamilya na nakatira sa isang kariton. Nadaanan ko sila habang nakasakay ako ng jeep papunta sa lugar ng katahimikan. Di ko lubos maisip paano sila nag kakasya sa lugar na iyon gayong halos lima ang bilang ng kanilang pamilya. Paano kaya sila nakakatulog, paano kaya sila kumakain.

Parang kinurot ang puso ko.. para kong natunaw sa hiya…. Naalala ko ang bahay na iniwan ko, naalala ko ang pamilyang gusto kong talikuran. Di nga ba’t napaka palad ko, na nagigising ako sa umaga mula sa malambot na kama. Na pag labas ko ng silid ay didiretso na lamang sa kusina upang kumain. Kay sarap ng buhay ko kung ikukumpara sa mga taong yaon.

Ang kapal ng muka kong mag reklamo sa buhay ko, napakasama ko para isiping responsibilidad  o pasanin ang pamilyang meron ako. Napaka maka sarili ko.

Para sa aking pamilya, para sa pinakamahalagang parte ng buhay ko...
Patawad….

Ohana means family… I can afford to loose everything but not them… Sila ang pinaka mahalagang kayamanan na mayroon ako..

Thursday, May 5, 2011

Liham para kay inay…

Nanay,

Siguro hindi ito ang pinaka emotional letter na marereceive mo from me… Well, actually mabibilang mo lang naman talaga sa daliri mo ang mga sulat na binigay ko sayo… Sabi nga kasi sa kasabihan “action speaks louder than words”. Kaya madalas mas pinipilit kong gawin kesa sabihin…

Hindi man ako naging perpektong anak, Masaya parin akong sabihin na hindi ako naging masamang anak at hindi rin naman ako naging ganon kabuting anak.. hehe! Sakto lang kung baga.. Wag ka ng mag reklamo ganon ka din naman.. di ka din naman perfect… pero kahit di ka perfect, given the chance of choosing another mom… ipag sisigawan ko parin sa lahat na ikaw parin ang gusto ko… ikaw at wala ng iba…

Nay, naalala ko pa nung unang beses na pumasok ako sa iskwela… ikaw ang number 1 fan ko… na kahit walang bilib sakin ang iba, para sayo ako parin ang pinaka magaling, pinaka maganda at pinaka matalino. Salamat Nay dahil  sa paniniwala mong yan… nabuhay tuloy ako sa kasinungalingan… ahihihihi… but seriously, thank you… wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kundi dahil sayo… kung di ka naniwala sa kakayanan ko… kung di mo pinalakas ang loob ko para ituloy kung ano man ang gusto at pangarap ko…

Naalala ko din sa tuwing bayaran ng tuition, kung gaano mo kinakapalan ang muka mo para mangutang, nilulunok mo ang lahat ng sasabihin ng iba, maibigay lang samin ang magandang kinabukasan. ….  

Salamat nay, sa pag bibigay sakin ng magandang kinabukasan. Salamat sa unconditional love, na isusubo mo na lang ibibigay mo pa sakin. Salamat sa pag tabi mo sakin sa higaan sa tuwing may sakit ako. Salamat sa pag luluto mo ng paborito kong ulam.  Salamat nung nag 1 year old ako meron akong cake kahit wala tayong pera. Salamat sa mga bilin mo sakin tuwing umaga kahit paulit ulit ka na. Salamat sa pag aalaga mo kay Kylie. Salamat sa lahat lahat.

Happy Mother’s Day Nanay!  Mahal na mahal kita… Mahal na mahal ka naming lahat…

At kahit sana sa mumunting paraan maparamdam namin sayo gaano ka ka espesyal…

Para sayo to aking inay….









Wednesday, January 12, 2011

flashback

Natatandaan ko pa nung dalaga pa ako laging sinasabi ng nanay ko "anak ang pag aasawa ay hindi parang mainit na kanin na pag napaso ka eh iluluwa mo".

Madalas ko syang pilosopohin non, "bakit naman mapapaso eh pede namang tikman muna bago tuluyang isubo..." 

Ngayon lang ako namulat, hindi nga pala talaga madaling pumasok sa buhay may asawa at masasabi ko tama nga si nanay, nakaka agihip ang paso ng mainit na kanin. (ako na comedian!)

Hindi naman sa nag sisisi ako dahil nag pa sakal na ko este nag pa kasal na ko, ang sinasabi ko lang eh hindi pala talaga biro pag may asawa ka na, hindi lang puro sarili mo ang iisipin mo, kadalasan nga mas higit pa sa kapareha mo. Gayun din sa pag dedesisyon, hindi pwedeng ako ako at ako o ikaw ikaw at ikaw lang kailangan laging kayo kayo at kayo... 

Kadalasan, isasaalang alang mo lahat ng bagay, isasakripisyo mo ang lahat para sa kapareha mo, kahit pa kay tagal mong pinangarap o inintay ang bagay na un....

parang working visa lang.....